RICHARD-GUTIERREZ copy

KINILALA bilang primetime king mula sa pagganap sa mga top-rating show ng GMA na Mulawin, Sugo, Lupin, Asero, Zorro, Captain Barbell, Kamandag, Happy House, at Love and Lies, isa na namang di-malilimutang pagganap ang aabangan ngayon ng mga tagahanga ni Richard Guttierez.

Matindi ang paghahandang ginawa ni Richard para sa kanyang pagganap sa Ang Panday ni Direk Carlo J. Caparas na pinasikat ni Fernando Poe, Jr. na kanya namang iniidolo at matalik na kaibigan ng kanyang ama na si Eddie Guttierez.

Tiniyak ni Caparas, sa tulong ni Direk Mac Alejandre at kanilang mga staff, na magkakaroon ng sariling tatak si Richard at naiiba sa naging pagganap ni FPJ.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Makakasama ni Richard sa Ang Panday sina Christopher de Leon at ang kanyang mga leading lady na sina Jasmine Curtis Smith, Bangs Garcia, at Sam Pinto.

Makakabituin din nila sina Alonzo Muhlach, Epy Quizon, Regine Tolentino, CJ Caparas, Empoy, Ranz Kyle, at Ara Mina.

Abangan ang Ang Panday sa TV5, sa Pebrero 29 na. (Ronald Constantino)