Hinimok kahapon ni Senate President Franklin Drilon si Pangulong Aquino na isulong din ang pagkakaloob ng umento sa mga kawani ng mga Government Owned and Controlled Corporation (GOCC).

Ito ang inihayag ni Drilon, may akda ng RA 10149 (GOCC Governance Act of 2011), isang araw matapos na lagdaan ni Pangulong Aquino ang executive order na nagtataas sa suweldo ng may 1.3 milyong kawani ng gobyerno.

Sinabi ng Liberal Party senatorial candidate na dapat ding pagkalooban ng Pangulo ng umento at dagdagan ang mga benepisyo ng mga kawani ng mga GOCC, na hindi saklaw ng Executive Order No. 201 na nilagdaan ng Presidente nitong Biyernes ng umaga.

Ang suweldo ng mga kawani ng GOCC ay saklaw ng Compensation and Position Classification System (CPCS).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“It is about time that the compensation for personnel under GOCCs be adjusted if the government really wants to attract and retain highly competitive individuals in government service,” giit ni Drilon.

Ayon kay Drilon, binibigyang-kapangyarihan ng GOCC Governance Act ang Governance Commission on GOCCs na irekomenda sa Pangulo ang Compensation and Position Classification System “which shall attract and retain talent, at the same time allowing the GOCCs to be financially sound and sustainable.”

“We have a pool of competitive, committed and intelligent human workforce in the GOCCs in various sectors such as in finance and trade,” dagdag ni Drilon. “The government should do everything it could in order to retain them.

Otherwise we will lose our hardworking employees to the private sector.” (HANNAH L. TORREGOZA)