TANAUAN CITY, Batangas – Isang hindi sumabog na bomba ang natagpuan ng mga obrero sa hinuhukay na lugar para sa pagpapalawak ng First Philippine Industrial Park (FPIP) sa Tanauan City, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 10:30 ng umaga nitong Biyernes nang matagpuan ng mga construction worker ang bomba sa hinuhukay nila sa Barangay Pagaspas sa lungsod.

Nasa kostudiya na ng BPPO ang may 5,000 lbs ng hindi sumabog na general purpose bomb para sa tamang disposisyon.

(Lyka Manalo)

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling