Arestado ang limang Chinese teenager, dahil sa umano’y operasyon ng illegal online gambling sa isang inuupahang apartment sa Calapan City, Mindoro.

Sa kanyang ulat, kinilala ni Supt. Jonathan P. Paguio, hepe ng Calapan City Police, ang mga suspek na sina Wang Hang, 22; Run Xiao Hui, 26; Wang Xin Hui, 20; Wang Yu Dong, 21; at Wu Xin, 20 anyos. Bagamat ang lahat ng suspek ay walang asawa, tanging sina Dong at Xin ang lalaki sa grupo.

Sinabi ni Paguio na isinagawa ang pagsalakay sa bahay ng isang Rommel D. Torres sa Block 4, Barangay Pachoca, malapit sa Playa Ignacio Resort, sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Cyrus B. Goco ng Municipal Trial Court, dahil sa paglabag sa RA 9287(An Act Increasing the Penalties for Illegal Number Games, Amending Certain Provisions of P.D. No. 1602) at R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Nasamsam ng awtoridad sa limang Chinese, na hindi nakapagsasalita ng English o Filipino, ang 14 na computer set, siyam na iPad Mini, 15 cell phone, 48 USB key, 29 USB (Dongle) at sari-saring computer paraphernalia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng tanggapan ng Bureau of Immigration sa Calapan City ang limang banyaga.

(Jerry J. Alcayde)