HALATANG nginangatngat ng inggit ang kilalang singer cum director sa kaibigan nitong TV host din na may bagong programa. May nakarinig kasi sa una na nabanggit sa ilang kaibigan nila na, “May show na ulit, sana magtagal na.”

Sanggang dikit ang singer cum director at ang TV host at minsan kinuhang consultant ng huli ang una pero hindi sila nagkasundo.

Humihingi kasi ng suhestiyon ang TV host kung paano pagaganadahin lalo ang show nito at nang magbigay ng suggestions ang singer cum director ay nagalit ang TV host at tinanggal na siya bilang consultant.

“Ang hilig humingi ng payo ni _____ (TV host), ‘pag binigyan mo, nagagalit at hindi raw puwede ‘yung mga ipinapayo sa kanya. Halos lahat ng kaibigan niya iritable na sa kanya dahil hindi naman siya nakikinig,” narinig na kuwento ng singer cum director.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Balita rin namin nai-stress daw kasi ngayon ang TV host dahil hindi na niya solo ang pagpo-produce ng programa niya kaya kapag may gagawin siya ay kailangang ipaalam muna sa network at bukod dito ay bantay-sarado siya ng mga tao ng management kapag nagti-taping.

Sana sa pagkakataong ito ay sumunod ang TV host sa mga payo sa kanya para magtagal naman ang programa niya at tuluy-tuloy na. (Reggee Bonoan)