Andi at Patrick copy

GAGANAP si Andi Eigenmaan bilang pulis at nanay na nagsusumikap na magampanan ang kanyang mga responsibilidad sa Maalaala Mo Kaya na mapapanood ngayong gabi.

Mula sa isang simpleng pamilya, lumaki si Judy (Andi) na hinahangaan ang kanyang masisipag na magulang. Hanggang sa isang araw, nakita niya sa unang pagkakataon na umiyak ang nanay niya nang masugatan sa isang hold-up incident.

Ito ang magbibigay ng inspirasyon kay Judy para kumuha ng Criminology sa kolehiyo, at nakikilala rin doon ang lalaking mamahalin niya – si Edmund (Patrick Garcia).

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pagkatapos ng graduation, magpapakasal at bubuo sila ng pamilya. Dito mararanasan ni Judy ang hirap ng pagbalanse sa pag-aalaga ng pamilya at sa kanyang mga responsibilidad bilang alagad ng batas.

Susubukin ang pagiging ina ni Judy nang magkasakit ang kanyang anak habang nasa trabaho siya. Ngunit sa kanyang pag-uwi, maho-hold-up ang bus na sinakyan niya at mapipilitang ipagtanggol ang sarili at ang mga kapwa pasahero.