pacman copy

Pacman, ibinasura ng Nike; Arum problemado sa promosyon sa MGM fight.

Simbilis ng mapamuksang virus ang epekto hindi lamang sa pulitika bagkus sa boxing career ni Manny Pacquiao ang pambubulabog niya sa LGBT (lesbian, gay, bisexual at transgender) community.

Aligaga ngayon, maging si Bob Arum, promoter ng 8-division world champion sa Top Rank, sa posibilidad na epekto sa takilya ng MGM Grand Arena, gayundin sa pay-ver-view para sa inaasahang ‘farewell fight’ ni Pacman laban kay American Timothy Bradley sa Abril 9.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Inamin ni Arum na tulad nang nakararami, hindi niya naibigan ang naging pahayag ni Pacquiao kung saan inilarawan niya na “masahol pa sa hayop” ang mga LGBT dahil sa pakikipagrelasyon sa parehong kasarian.

Bilang isang debotong Kristiyano, hindi pabor si Pacman sa same-sex marriage.

“What he’s saying is diametrically opposed to what I believe,” pahayag ni Arum sa panayam ng Associated Press. “I’m in favor of gay rights and same sex marriage. I’m apologetic personally to the gay movement in the United States.”

Naglabas ng kanyang pananaw si Arum matapos putulin ng multi-national sports apparel Nike ang anumang ugnayan kay Pacquiao bilang buwelta sa naging pahayag ng People’s Champion laban sa LGBT sa isang panayam sa TV5.

“We find Manny Pacquiao’s comments abhorrent,” pahayag ng Nike nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

“Nike strongly opposes discrimination of any kind and has a long history of supporting and standing up for the rights of the LGBT community.”

Pinatutsadahan din ni American unbeaten world champion Floyd Mayweather, Jr. ang kanyang mahigpit na karibal.

“We should let people live their lives the way they want to live their lives. To each his own,” pahayag ni Mayweather sa panayam ng TMZ Sports.

Sa panayam ng TV5 kung saan nakasentro ang usapan sa mga isyung nangangailangan ng atensyon ng mga kandidato sa pagkasenador, sinabi ni Pacman na hindi tanggap ang LGBT sa mata ng tao at sa mata ng Diyos.

“It’s just common sense,” sambit ni Pacquiao. “Have you seen any animal having male-to-male or female-to-female relations?”

“if you have male-to-male or female-to-female (relationships), then people are worse than animals,” aniya.

Iginiit ni Arum na bilang isang evangelical Christian, naniniwala si Pacquiao na mali ang pagiging ‘homosexual’ at bahagi lamang ng pamumulitika ang kanyang pananaw dahil na rin sa pagiging makaluma ng Pinoy sa naturang isyu.

“What he said is completely for home consumption for Filipinos wrestling with the question of legalizing same sex marriage,” sambit ni Arum.

Inaasahan ni Arum na marami ang hindi na bibili sa pay-per-view, ngunit umaasa siyang hindi nito lubusang mapipilay ang promosyon ng Pacman-Bradley Part 3.

“Instead of promoting a fight with a fighter I’m promoting a fight with a politician,” sambit ni Arum. “It’s like of Donald Trump was a boxer and I was promoting Donald Trump when he was running for president. I would be killed by the media for all the stupid statements he is making.”

Nauna rito, humingi nang paumanhin si Pacquiao sa kanyang naging pahayag na aniya’y walang intensiyon na saktan ang damdamin ng kanyang kapwa.

“I’m sorry for comparing homosexuals to animals. Please forgive me for those I’ve hurt,” pahayag ni Pacquiao sa video sa kanyang Instagram.

“I love you all with the love of the Lord. I am praying for you,” aniya.

Ang naging pahayag ni Pacquiao ay umani ng pagbatikos mula sa mga local celebrity, gayundin sa nitizens, sa buong mundo, higit sa Amerika kung saan legal na sa ilang States ang ‘same-sex marriage’.

Nakatakda ang laban ni Pacman sa Abril 9 sa Las Vegas, Nevada. (Gilbert Espena)