Nalusutan ng University of the Philippines ang matikas na Adamson University, Salamat sa impresibong laro ng mga bagitong Lady Maroons.

Hataw si rookie Isabel Molde sa iskor na 23 puntos para sandigan ang Lady Maroons sa 26-24, 25-27, 25-21, 25-19 panalo nitong Miyerkules sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa San Juan Arena.

“Buti nakalusot,” sambit ni UP head coach Jerry Yee, patungkol sa laro ni Molde na tumipa rin ng 11 digs. “Kung gusto namin mag top-4, we try to win as many games as possible and then sa isip namin, may teams kami na tina-target na dapat talunin.”

Dahil sa panalo, nakisosyo ang Lady Maroons sa FEU Lady Tamaraws sa 2-2 karta, habang lungayngay ang Lady Falcons sa ikatlong sunod na kabiguan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA