Itinanggi ni Pangulong Aquino ang mga espekulasyon na si Sen. Grace Poe ang kanyang “secret candidate” para sa eleksiyon sa Mayo 9.

“Naniniwala akong magaling ang kandidato ko (Mar Roxas), bakit pa ako magsesecret-secret?” pahayag ni Aquino.

Binanggit ni PNoy na kampanya na at ang intensiyon niyang libutin ang bansa para ikampanya ang mga pambato niyang si Roxas at katambal nitong si Rep. Leni Robredo ang kanyang pinagkakaabalahan.

Sumingaw ang naturang espekulasyon matapos dumalo si Poe sa birthday celebration ni Aquino kamakailan.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Kailan pa ako ‘di mapagkakatiwalaan sa binitiwan kong salita? Papakita na gagawin kong kabaliktaran?” tanong ni Aquino sa media. 

Ipinagtanggol pa ni PNoy si Roxas laban sa mga kritiko nito.

“Balik tayo sa pruweba. Si Mar nasa Zamboanga, gaano katagal si Mar na naka-motor bago dumating ang mga bagyo. Si Mar na nasa Tacloban bago dumating si Yolanda. Si Mar na nasa Zamboanga siege, nawala na ang immediate problems, umalis ba siya?” litanya nito bilang sagot sa mga batikos.

Panatag naman si PNoy na mananalo ang tambalang Mar-Leni sa eleksiyon. (Beth Camia)