Tinapyasan ng International Monetary Fund (IMF) ang 2016-2017 gross domestic product (GDP) para sa Pilipinas, tinukoy ang mas mahinang external environment at global financial turbulence.

Para sa 2016, itinakda ng IMF ang bagong GDP growth forecast sa anim na porsiyento mula 6.2%. Ibinaba rin nito ang 2017 growth forecast sa 6.2% mula 6.5% para sa 2016.

Sa pagtatapos ng huling consultation visit (Pebrero 11 hanggang 17) nito, sinabi ng IMF mission sa pamumuno ni Chikahisa Sumi na ang lokal na ekonomiya “performed remarkably well” sa gitna ng “weaker external environment and global financial turbulence in 2015.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Despite a large drag from net exports, real GDP growth remained robust in 2015 at 5.8 percent, reflecting a strong pickup in private investment and public construction through the year,” ayon kay Sumi.

Sa susunod na dalawang taon, sinabi ng IMF na ang tunay na GDP growth ay itutulak ng “continued strong domestic demand offsetting weak net exports.” (Lee C. Chipongian)