Kulungan ang kinahinatnan ng walong katao, na binubuo ng tatlong babae, makaraang salakayin ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ang mga hinihinalang drug den sa isinagawang “One Time, Big Time” operation sa Valenzuela City, nitong Martes ng gabi.

Sa report ni Chief Insp. Allan Rabusa A. Ruba, hepe ng SAID-SOTG, kay Senior Supt. Audie A. Villacin, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang mga nadakip na sina Abigael Lopez, 27; Henry Allosada, 37; at Donald Bacal, mga residente ng 53 Marcelo St., Dalandanan, Valenzuela City.

Nadakip din sina Jobert De Jesus, 33, ng 26 Encarnacion St., Dalandanan; Kenneth Ver Guimary, 36, ng 13 Medina St., Dalandanan; Anthony Tabios, 31; Allysa Amor Rafols, 19, ng Custodio St., Santuilan, Malabon City; at Rose Ann Arienda, 28, ng Sta. Maria St., Saint Jude, Malinta.

Narekober sa mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu, mga pinatuyong dahon ng marijuana at drug paraphernalia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Ruba, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga residente na ginagawang drug den nina Lopez at Bagdal ang kanilang bahay. (Orly L. Barcala)