CABANATUAN CITY – Kinasuhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Office of the Ombudsman ang sampung bayan sa Central Luzon dahil sa umano’y mga paglabag sa probisyon ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.
Ayon kay EMB-Region 3 Director Lornalyn Claudio, kinasuhan ang Abucay at Mariveles sa Bataan; Paombong at Hagonoy sa Bulacan; Cuyapo, Gen. Tinio, Jaen, Bongabon, at San Isidro sa Nueva Ecija; at San Simon sa Pampanga.
Iniutos din na isama sa mga kakasuhan ang may ilegal na open dumpsite kasabay ng mahigpit na pagbabantay ng DENR sa lugar upang hindi na muling mapagtapunan ang mga ito.
Sinabi ni Claudio na kailangang tumalima ang mga nabanggit na bayan sa RA 9003, na nag-aatas na dapat na may kani-kanilang material recovery facility (MRF) ang bawat barangay. (Light A. Nolasco)