MABIGAT ang tungkulin at responsibilidad ng isang pangulo ng bawat bansa. Dahil dito, kailangang siya ay malusog sa pangangatawan at kaisipan. Wika nga sa Latin: “Mens sana en corpore sano”, at sa Tagalog naman ay “Malusog na pag-iisp sa malusog na katawan.”

Bagamat wala sa batas na nag-oobliga sa presidentiables na ihayag ang kalagayan ng kanilang kalusugan, mas makabubuti siguro na sila na mismo ang boluntaryong maglahad nito sa publiko. Nang mahilo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, 70, ilang minuto bago magsalita sa convention ng mga doctor sa Crowne Plaza, Ortigas, Quezon City, naging interesado ang taumbayan na malaman ang health condition hindi lang ni Digong, kundi maging nina VP Jojo Binay, ex-DILG Sec. Mar Roxas, Sen. Grace Poe at Sen. Miriam Defensor Santiago.

Sa kaalaman ng mga botante, sinabi ni Duterte na wala siyang cancer, pero may apat na karamdaman na hindi naman daw “fatal” o nakamamatay: Respiratory infection o bronchitis, slipped disc, Barret’s esophagus, at Buerger’s disease.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Itanong na lang ninyo sa mga doktor kung anu-ano ang mga sakit na ito. Ayon naman sa usap-usapan, si Binay ay may sakit sa kidney (bato), si Miriam ay may stage 4 cancer, si Poe ay nangangayayat, at si Mar ay wala raw sakit.

Gayunman, noong panahon ni ex-PGMA, isa raw cabinet member nito ang may droga sa dugo. Inamin yata ni Mar na siya iyon dahil umiinom daw siya ng “enhancement drug” na hindi naman ilegal.

Sa kabilang dako, nais ni Manila 1st District Rep. at Manila Liberal Party vice mayoralty bet Benjamin “Atong” Asilo na matukoy kung sino ang naniningil sa operasyon ng diesel-fed smoke-free crematorium sa Manila North Cemetery na dapat ay libre para sa publiko.

Ipinagkaloob niya ang nabanggit na makina noong 2008 sa lungsod ng Maynila na ang pondo ay galing sa kanyang tanggapan para pakinabangan ng mahihirap na residente ng Tondo 1 at mamamayan ng lungsod. “Ang mahirap ay dapat na kinakalinga ng gobyerno at ‘di dapat pinagsasamantalahan.” Sambit ng pambato ng Tondo.

Dumarami raw ang reklamo sa paniningil ng P5,000 hanggang P10,000 sa operasyon ng crematorium na taliwas sa orihinal na layuning ipagkaboob nang libre para sa mahihirap na tao.

Sabi nga ng kaibigan kong senior-jogger, kung ang lahat ng pinunong-bayan ay katulad lang ni Atong Asilo, baka tumino ang gobyerno at umunlad ang bansa. (BERT DE GUZMAN)