NASAAN si Rihanna? Kinansela ng R&B superstar ang kanyang pagtatanghal sa entablado sa Grammys 2016, ilang oras bago magsimula nang live ang CBS broadcast nitong Lunes, Pebrero 15, pagkukumpirma ng mga source sa US Weekly.

Sinabi ng mga tagapagsalita ni Rihanna na isyung pangkalusugan ang dahilan ng kanyang last-minute decision.

“Based on Rihanna’s examination, after Grammy rehearsal today, Rihanna’s doctor put her on vocal rest for 48 hours because she was at risk of hemorrhaging her vocal cords,” sinabi ng kanyang mga tagapagsalita sa US. “The antibiotics she has been on for 3-days did not kill the infection adequately therefore she cannot perform safely.”

Napansin na wala ang Anti singer sa red carpet sa Staples Center in L.A., na roon hinintay ng mga reporter ang kanyang pagdating at pagrampa.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Rihanna dropped out a half hour before the show,” sinabi ng insider sa US. “It caused a huge crisis.”

Ayon sa insider, nakatakda sanang mag-perform ang singer sa simula ng seremonya, kaya agad itong siningitan upang hindi maapektuhan ang iba pang plano sa show. Hindi rin nagawang dumalo ni Rihanna sa mga huling rehearsal sa nakalipas na mga linggo, ayon sa source.

Bago isagawa ang Grammys night, nasa New York City si Rihanna para sa paghahanda sa kanyang New York Fashion Week debut. (US Weekly)