Kinailangan lamang ng defending champion Adamson University ng apat na innings para maigupo ang Ateneo, 13-0, at makumpleto ang six-game sweep sa first round ng UAAP Season 78 softball tournament kamakailan sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nalimitahan ng Lady Falcons ang Lady Eagles sa isang hit para i- extend ang kanilang record winning streak sa 68 laro mula pa noong 2008.

Tumapos namang pangalawa sa kanila ang National University na may 5-1 karta.

Sa iba pang laro, ginulat ng University of the East ang last season’s runner-up University of the Philippines, 2-1, habang pinadapa ng University of Santo Tomas ang De La Salle, 3-2.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Dahil dito, nagtabla ang Lady Warriors at Tigresses kasama ng Lady Maroons sa ikatlong puwesto taglay ang patas na barahang 3-3.

Nagtapos naman ang Lady Archers sa kartadang 1-5 habang nanatili namang winless ang Lady Eagles matapos ang anim na laro.

Samantala sa baseball, umiskor ang reigning titlist Ateneo ng 10 runs sa ninth inning para talunin ang UP, 26-9.

Nagwagi ang De La Salle kontra UST, 14-9, habang namayani ang NU sa Adamson University, 14-12. (MARIVIC AWITAN)