ACTIVE na uli sa social media si Kris Aquino after her birthday na hindi muna siya nag-update sa Instagram at walang balita sa kanya. Live na rin siya sa KrisTV at via hashtag, ibinalitang may pagbabago sa morning show niya sa ABS-CBN at may magiging co-host na siya.

“Starting something new & exciting. #ANewJourneyWithANewPartner,” post ni Kris sa IG. Hindi pa namin napapanood ang Kris TV para makumpirmang si Anthony Taberna nga ang magiging co-host ni Kris. Matagal nang nasulat ang tungkol dito, pero walang kumpirmasyon from the network

Kung napanood ninyo si Anthony sa KrisTV, ibig sabihin, totoo ang mga nasulat na siya ang co-host ni Kris at kung ganyang may bagong kasama sa show si Kris, baka sumunod nito, baguhin na rin ang title at concept ng show.

Nakakaaliw si Kris dahil sinagot ang comment ng isa niyang follower sa IG na maganda ang skin niya. Sagot niya, “HONEST-kaya nag-lie low during ng birthday (no pics di ba Fri, Sat & Sun - I had non-invasive skin treatment & peeling done. Effort to have good skin. My trusted doctor is Dra. Venia Javellana. #birthdayhonesty (I’m 45 & need to really take care of my health, my hair & my skin.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At least, honest si Kris sa mga ipinapagawa sa kanyang katawan at mukha. Hindi na niya kailangang tanungin pa.

(NITZ MIRALLES)