CABIAO, Nueva Ecija - Hindi nakalusot sa mga pulis na nagmamantine sa Commission on Elections (Comelec) checkpoint ang isang 29-anyos na lalaki at nakumpiskahan siya ng ilegal na baril at drug paraphernalia sa Barangay Natividad sa bayang ito, nitong Lunes ng gabi.

Hindi nakapalag si Jay Lazano y Clemente, ng Barangay San Roque, nang parahin at sitahin sa minamaneho niyang Honda Civic (UJP-751) sa nasabing checkpoint.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Crisolo Caguiat, dakong 9:00 ng gabi nang pinara sa checkpoint ang Civic at namataan ng mga pulis ang imitasyon ng .9mm caliber Beretta sa passenger seat, at sa masusing pagrerekisa ay nakuhanan pa ang suspek ng digital weighing scale, aluminum foil strip, at dalawang disposal lighter.

Si Lazano ay ikaanim sa wanted drug personalities ng Cabiao Police. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito