IPINAAAPURA ng Kongreso (Kamara at Senado) sa Korte Suprema ang pagpapasiya sa disqualification case laban kay Sen. Grace Poe sa katwirang kung hindi umano aaksiyon agad ang SC, posibleng maapektuhan ang integridad ng halalan sa Mayo 9, 2016. Eh, kailan ba hindi nabahiran ang integridad ng eleksiyon sa ating bansa? Sa bawat halalan, may nananalo at walang natatalo dahil ang talunan ay dinadaya lang umano.

Hiniling nina Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Senate President Franklin Drilon sa Korte Suprema na bilisan ang pagdedesisyon sa DQ case na inihain nina defeated senatorial candidate Rizalito David, ex-Sen. Francisco Tatad, ex-GSIS counsel Estrella Elamparo, at UE law dean Amado Valdez. Hanggang ngayon ay may nagdududa sa tunay na intensiyon ng mga petitioner kung bakit nais nilang ma-disqualify si Pulot. Hirap na nga si Sen. Poe na matunton ang kanyang tunay na mga magulang, pinahihirapan pa ng mga ito ang adoptive daughter nina FPJ at Susan Roces hinggil sa isyu ng citizenship at residency.

Bakit minamadali nina Belmonte at Drilon ang SC sa kaso ni Amazing Grace, pero kapag sila ang inatasan na tanggalin sa listahan ang isang mambabatas dahil nagpasiya ang Comelec na siya (mambabatas) ay isa palang dayuhan o kaya’y convicted criminal, nagpapaulik-ulik sila sa pagsunod sa direktiba ng SC?

Matindi ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ngayong panahon ng kuwaresma at halalan (Lenten and Election season): “Huwag maging mga ipokrito. Huwag gamitin ang mga ritwal ng Mahal na Araw sa publicity stunts o pagmamagaling/pagpapasikat.” Sa kanyang homily noong Miyerkules de Ceniza (Ash Wednesday), simula ng 40-araw na Lenten Season, sinabi ni Cardinal Tagle na may ilang tao (pulitiko) na sinasamantala ang panawagan sa pagkakawanggawa upang sila ay sumikat at hangaan ng mga tao (botante).

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sana ay totohanin na ni US President Barack Obama ang kanyang pahayag na pagsasabihan ang China na huwag mang-bully sa West Philippine Sea, kabilang ang Pilipinas at Vietnam, tungkol sa agawan ng teritoryo sa naturang lugar.

Pangungunahan ng kauna-unahang Black President ng US ang pulong ng Southeast Asian Nations-US na gaganapin sa Rancho Mirage, California ngayong Pebrero 15-16 na dadaluhan ng 10 lider ng ASEAN.

Dapat daw lutasin ang gulo nang mapayapa, walang karahasan, walang pananakot ng malakas na bansa laban sa maliliit at mahihinang nasyon. (BERT DE GUZMAN)