NGAYON ay Valentine’s Day at para sa hopeless romantic na mga Pilipino, ito ang panahon para alalahanin ang mga mahal sa buhay. Umaasa na ang mga “loved ones” na ito ay legal. Naaalala ko tuloy ang isang lalaki na nag-toast sa isang party at sinabing “Cheers, para sa ating mga asawa at mga nobya, nawa’y hindi sila magkakilala!”
Sa maniwala ka’t sa hindi, sa araw na iyon mismo nangako ang lalaki na isusuko na niya habambuhay ang pagpapakasal.
Ang pangalan niya ay Valentinus, isang Christian celibate priest.
Ang matapang at mapagbigay na Romanong pari, na nabuhay noong 269 A.D., ay hinatulan ng kamatayan ni pagan Emperor Claudius II na nagalit sa kanyang pagtangging talikuran niya ang kanyang pananampalataya.
Noong gabing siya’y nakatakdang patayin (Pebrero 13, 270 A.D.), nagsulat si Valentinus ng kanyang pamamaalam sa isang babae at pinirman niya ito ng “From your Valentine.”
Hanggang sa pagkakitaan na ang Valentine’s Day. May mga Valentines’ sale sa mga shopping mall at bilihan ng mga bulaklak, sa mga restaurant, at siyempre, sa mga motel!
Siguraduhing ang iyong makakasama ay legal at tunay kayong nagmamahalan.
Tandaan ang malaking kaibahan ng “kumpelto” at “tapos.”
Kapag ang lalaki ay pinakasalan ang tamang babae, siya kumpleto na. At kapag naman mali, siya ay tapos na.
EARLY DATING. Para sa mga bata na in love, narito ang isang paalala. Iwasan ang maagang pakikipag-date. Ang going steady sa mga batang nagmamahalan , ‘yan ay, mababa sa edad na 20, ay maaaring isang “tender trap”—at maraming nagsisisi rito.
Ang Pre-marital pregnancy ay nagiging dahilan upang mapilitang magpakasal ang dalawang tao o ipalaglag ang bata.
Maging maingat sa desisyon kung saan nakapaloob ang iyong LIFETIME commitment.
May kasabihan nga na: “Gamitin ang iyong utak kesa sa puso, ang iyong dahilan kesa sa iyong nararamdaman.”
(Fr. Bel San Luis, SVD)