Naniniwala ka ba sa forever?

Pitumpu’t tatlong porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwalang may forever, o pagmamahalang panghabambuhay, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS) na itinaon sa Valentine’s Day bukas.

Batay sa SWS Fourth Quarter 2015 Survey na isinagawa noong Disyembre 5-8, 2015 sa 1,200 adults, 50 porsiyento ang nagsabing sila “strongly believe” sa forever, 23 porsiyento ang nasabing sila “somewhat believe” na may pagmamahal na tumatagal nang habambuhay. Samantala 16 na porsiyento naman ang nagsabing naniniwala sila na walang forever. Nasa 11% naman ng mga Pinoy ang “undecided” pa tungkol dito.

Ipinakita rin sa survey na may “very strong” na paniniwala sa forever ang mga lalaki at babaeng may asawa. Ang mga nasa long-distance relationship naman ang pinakamalaki ang paniniwala sa forever sa nakuhang +72 percent (82% naniniwala, 10% hindi naniniwala).

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

HAPPY SA LOVE LIFE

Kung karamihan sa mga Pinoy ay naniniwalang may forever, ano ang ibig nitong ipakahulugan tungkol sa kani-kanilang love life? Limampu’t isang porsiyento ang nagsabing sila ay “very happy” sa kanilang love life, habang 38% ang nagsabing “it could be happier”, at 10% ang aminadong walang love life.

Samantala, natukoy din sa survey na 59% ng mga may asawa ang masaya at kuntento sa kanilang buhay pag-ibig, kumpara sa 54% ng may live-in partners, at 25% ng mga single. (Betheena Kae Unite)