MAY isang pari na ilegal na ipinarada ang kanyang sasakyan. Nag-iwan siya ng note sa salamin ng kanyang sasakyan na nagsasabing: “Ako ay isang pari. Wala akong makitang espasyo para maparadahan. ‘Wag n’yo akong tiketan. ‘Forgive my trespasses.’”

Nang balikan n’ya ang kanyang sasakyan, nakita niya ang isang note sa salamin ng kanyang sasakyan na nakasaad:

“Pulis ako. Kung hindi kita titiketan, magkakaroon ako ng kasalanan. ‘Lead me not into temptation.’” P.S. “Pero kung lalagyan mo ng P50 ang iyong lisensya, palalampasin ko.”

Palaging nariyan ang temptasyon at tukso sa araw-araw na buhay. Ang temptasyon ay HINDI isang kasalanan, ngunit isang atraksiyon o tukso para magkasala. Kahit si Jesus ay natukso.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang gospel ngayong Linggo ay nagpapahayag kung paano tinukso at sinubok ang Panginoon sa disyerto at kung paano siya naghirap para malampasan ito, bilang maging halimbawa natin. (Basahin ang Lk 4,1-13).

Una, kinausap ng tao si Jesus at nakiusap na gamitin ang kanyang kapangyarihan para sa personal nitong kapakanan.

May temptasyon palagi sa tao na maging makasarili sa kahit anong kapangyarihan at talento mayroon ng Panginoon.

Sa pangalawang pagsubok, hinamon ng demonyo si Jesus na “Tumalon ka (sa parapet ng Templo), ngunit hindi ka naman masasaktan dahil sasagipin ka ng mga anghel.” Sa madaling sabi, hinamon siya ng mga bagay na kakaiba. At gumawa ng milagro.

Ang problema ay nakatuon tayo sa mga bagay na hindi gaano mahalag ngunit nakakalimutan natin ang “miracles of faith” na nangyayari sa ating paligid. Halimbawa, hindi ba milagro na ang matibay at masayang pamilya ay naka-survive mula sa hindi nagtagumpay na pagsasama bilang mag-asawa?

Ikatlong pagsubok na kinaharap ni Jesus ay ang “sumuko at sambahin ako, at ibibigay ko ang lahat ng aking kaharian sa mundo” (Lk 4,6). Sa madalin salita, pakikisama. ‘Wag masyadong demanding.

At higit sa lahat, tandaan ang pinakamahalagang bagay. Ang temptasyon o tukso ay dumarating hindi sa oras na tayo ay matatag, ngunit sa panahong tayo ay mahina. Nagsimula ang temptasyon kay Jesus MAKALIPAS ang 40 araw na pag-aayuno.

Kapapasok pa lamang ng panahon ng Kuwaresma. Hinahamon tayo ngayong panahon ng Kuwaresma na ipasa ang pagsubok na susubok sa ating pananampalataya sa Diyos.

Makapapasa ka kaya sa pagsubok? O magagawa mo kayang iwasan ang mga bagay na magiging sanhi ng kasalanan?

(Fr. Bel San Luis, SVD)