Kris copy

NAGPAALAM si Kris Aquino sa followers niya sa Instagram (IG) na ilang araw siyang mawawala uli dahil gustong i-celebrate ng tahimik ang kanyang 45th birthday. Sa last post ni Kris sa IG bago lumipad kahapon patungo sa bansa na napili niyang pagbakasyunan, ipinakita niya ang birthday cakes na dumating sa bahay nila.

“I am posting tonight (Thursday, Feb. 12) because I’m giving myself a quiet, private, off-line birthday weekend.

Nagpaalam na ‘ko kasi baka mapagalitan n’yo na naman ako dahil nawala ako na walang warning,” post ni Kris.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Puno ng birthday messages ang IG ni Kris at siguradong mata-touch ang TV host/actress sa ganda ng birthday messages ng kanyang followers. Meron pa ngang nagpahayag ng katuwaan sa gesture ni Kris na magpaalam na ilang araw siyang mawawala sa social media dahil ibig sabihin daw noon ay pinahahalagahan sila ng Queen of All Media.

Para pa rin i-celebrate ang kanyang birthday, simula noong February 11 hanggang 16, ginaganap ang birthday sale ni Kris na nagbebenta siya ng shoes, bags and dresses niya na hindi na niya ginagamit.

“I’ve been doing these sales all the way back to my Game KNB days. We’ve managed to share with Gawad Kalinga, Philippine Children’s Medical Center, seminarians I’ve been helping, Our Lady of Manaoag & Baclaran Church...You might like some of my things? And we’ll all be able to continue spreading good,” wika ni Kris.

Sa mga gustong bumili ng gamit ni Kris at makatulong sa mga tinutulungan nito, visit #17 Malingap St., Teachers Village, Quezon City.

Samantala, hindi pa rin nasasagot ng aming tinanong ang balitang magre-reformat ang Kris TV at magkakaroon ng male co-host si Kris. Si Anthony Taberna ang narinig naming pangalang magiging co-host ni Kris sa kanyang morning show sa ABS-CBN. (NITZ MIRALLES)