Arjo, PLEASE CROP copy copy

SADYA bang nagpapanipis ng katawan si Arjo Atayde na sobrang payat na base sa napanood naming episode ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Martes ng gabi?

Hindi sana namin napapansin pero ang kasama namin sa bahay ang nagsabing, “Ate, sobrang payat na ni Arjo, oh. Hindi na bagay.”

Inabangan tuloy namin ang mga eksena ng aktor at para sa amin ay malaki nga ang ipinayat ni Arjo at nag-mature na siyang tingnan dahil nagpatubo ng bigote na kailangan siguro sa istorya ng serye.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Baka nga kailangan sa eksena kasi problemado si Joaquin Tuazon kay Carme (Bela Padilla) na nahuhulog na ang loob kay Cardo (Coco Martin).

Nagseselos si Joaquin kay Cardo na labis-labis ang pag-aalaga ni Carmen.

At ang lungkot ng mukha ni Joaquin sa pakiramdam na hindi siya gusto ni Carmen ay nakita na namin dati pa nang maghihiwalay si Arjo noon at ang girlfriend niya, he-he-he.

Effective umarte si Arjo, kaya inaakala na tuloy ng iba na siga o matigas ang puso niya pero hindi siya ganoon sa totoong buhay. Sana naman kontrolin na niya ang pagpapapayat, kasi baka tuluyang bumagsak ang katawan niya.

Samantala, patuloy ang pamamayagpag ng Ang Probinsyano sa national TV ratings (46.7% nitong nakaraang Martes), halos 30 puntos ang lamang sa kalabang Little Nanay (16.9%) ayon sa survey data ng Kantar Media.

Inaabangan ngayon ng loyal viewers ng Ang Probinsiyano kung sino ang makakahuli kay Ping Medina bilang si Diego Sahagun na nakakaalam kung sino ang pumatay kay Ador.

Nag-uunahan sina Cardo at Joaquin kay Diego na ngayon ay nasa pangangalaga naman ni Richard Yap bilang si Phillip Tang na naghahanap ng ebidensiya laban kay Albert as Tomas Tuazon.

Ang Probinsyano ay handog ng Dreamscape Entertainment Television mula sa direksyon nina Malu Sevilla, Avel Sunpongco at Toto Natividad. (Reggee Bonoan)