TARLAC — Malaking halaga ng mga manok na panabong ang tinangay ng mga hindi nakilalang kawatan sa CAT Game Farm sa Barangay San Nicolas, Bamban, Tarlac.

Ang nasabing farm ay pag-aari ni Jose “Peping” Cojuangco, ng Dasmariñas, Cavite.

Umabot sa 42 sasabungin ang tinangay ng mga kawatan na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng P3,500 o may kabuuang P147,000. ang presyo.

Nadiskubre ng sekyung si Primo Santiago, 25, ang pagnanakaw at kaagad itong iniulat sa Bamban Police Station.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

May hinala ang pulisya na pumasok sa farm ang mga magnanakaw dakong 2:00 ng madaling araw. (Leandro Alborote)