Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang online shame campaign sa mga kandidatong lalabag sa mga patakaran ng kampanya, kasabay ng pagsisimula ng panahon ng kampanya nitong Martes.

Kaugnay nito, hinimok ni Comelec Spokesman James Jimenez ang netizens na tulungan sila at iulat ang mga nakikitang paglabag ng mga kandidato sa social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa, o direktang isumbong sa Comelec, gamit ang hashtag na #SumbongKo.

Sinabi ni Jimenez na bibigyan nila ng tatlong araw na palugit ang mga kandidato para linisin o baklasin ang campaign posters na nakapaskil sa mga ipinagbabawal na lugar.

Gayunman, pagkatapos ng grace period o pagsapit ng Pebrero 12 ay “maniningil” na sila at pananagutin ang mga kandidato na nakakalat sa mga ipinagbabawal na lugar ang mga campaign poster.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“We will issue citations versus candidates who failed to take down illegal materials after grace period,” ani Jimenez.

Kaugnay nito, sinimulan na rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang “Operation Baklas”.

(Mary Ann Santiago)