Isang 23-anyos na lalaki na wanted sa ibat ibang kaso ang kusang sumuko sa mga awtoridad sa Valenzuela City, nitong Martes ng gabi.

Si Gerald Cahilig, residente ng Dulong Carnacion Street, Barangay Malinta, Valenzuela City, ay sumuko kay SPO2 Doddie Aguirre, ng Valenzuela Police Station-Detective Management Unit (DMU), bandang 7:30 ng gabi.

Ayon kay Cahilig, nagsasawa na siya sa pakikipagtaguan sa mga pulis at nais na niyang magbagong-buhay. Nangako rin siyang hindi na gagamit ng shabu, na dahilan kung bakit niya nagawang mang-holdup. (Orly L. Barcala)
Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal