Nakatuon ngayon sa anggulong hijacking ang pagsisiyasat ng Taguig City Police kasunod ng pagkakatukoy sa pagkakakilanlan ng magkakapatong at naaagnas na bangkay ng tatlong lalaki sa loob ng isang ninakaw na closed van sa lungsod, nitong Sabado.

Kinilala ni Taguig City Police chief Senior Supt. Ramil Ramirez ang tatlong biktima na sina Fremar Dumo, 39, driver; Juniper Garcia, 37, pahinante; at Crisanto Tanggalin, 35, helper.

Ayon sa ulat, dakong 8:00 ng umaga nitong Pebrero 6 nang madiskubre ang bangkay ng tatlong lalaki na nakabalot sa lona, may takip ang mga mukha, nakatali ang mga kamay at paa sa likurang bahagi ng puting Mitsubishi L-300 van (AEV-484) na nakaparada sa Purok 6, Barangay Napindan sa lungsod.

Lumitaw sa imbestigasyon na nagtungo ang tatlong biktima sa tanggapan ng Cathay Pacific Steel Corp. sa Bgy. Napindan nitong Pebrero 4 upang magdiskarga ng mga gamit at natulog sa labas ng compound para sa panibagong paged-deliver ng sinasabing milyun-milyong halaga ng mga bakal kinabukasan ng madaling araw.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Nawawala naman ang trailer truck na may kargang mga bakal na sinasakyan ng grupo ni Dumo.

Nabatid na ang closed van ay nakarehistro naman sa isang Teresita Don Diego ngunit ang nasabing sasakyan ay napaulat na kinarnap noong Pebrero 2 sa Bgy. Don Bosco, Parañaque City. (Bella Gamotea)