SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Sinuntok muna bago sinaksak ng basag na bote ng alak ang isang 55-anyos na negosyante ng sarili niyang bayaw makaraan silang magtalo sa Barangay Castellano sa bayang ito, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ng San Leonardo Police ang biktimang si Danilo Victorio y Galang, may asawa, negosyante, na nagtamo ng mga pasa at saksak ng basag na bote sa katawan.

Agad namang naaresto ng pulisya si Andres Constantino y Dizon, 41, ng Bgy. Sto. Niño, Gapan City. (Light A. Nolasco)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?