SAN JUAN, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang 47-anyos na mister makaraang rumampa sa railing ng kalsada ang minamaneho niyang motorsiklo sa San Juan, Batangas.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at patay na nang idating sa San Juan District Hospital si Marcelo Abordo, taga Candelaria, Quezon.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Amado de Torres, dakong 8:00 ng gabi nitong Pebrero 8, binabagtas ng biktima ang Barangay Calubcub 2nd sakay sa kanyang motorsiklo (WW-9791) nang mangyari ang aksidente. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog