Masisilip na ang mga kaukulang impormasyon kaugnay ng Pasig River ferry service gamit ang mobile app na nilikha ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katuwang ang Rising Tide Developers.

Ilulunsad ngayong Martes sa Metro Manila Film Fest Cinema sa Makati City ang Pasig River ferry app na maaaring i- download sa smartphone at Android device.

Sa pamamagitan ng app, malalaman ng mga pasahero ang schedule ng ferry service operations tulad ng estimated time of arrival (ETA) at departure (ETD) ng mga ferry sa 12 istasyon sa Pasig River, mga ruta ng ferry, pamasahe, at feeds na nalikom mula sa MMDA social media channels, gaya ng Facebook, Twitter at Viber.

Magkakaloob din ang app ng iba pang impormasyon gaya ng ferry stations na pinakamalapit sa user, photo gallery, at iba pang public advisory at anunsiyo ng MMDA.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa kasalukuyan, mayroong 15 ferry mga istasyon sa Pinagbuhatan, San Joaquin, at Maybunga sa Pasig City; Guadalupe at Valenzuela sa Makati City; Hulo sa Mandaluyong City; at Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta at Plaza Mexico sa Maynila. - Anna Liza Villas-Alavaren