Miguel at Bianca

NI MERCY LEJARDE

SA recent post ng Wish I May leading man na si Miguel Tanfelix, ipinakita niya kung paano siya nilalagyan ng makeup ng ka-loveteam na si Bianca Umali.

Proud na proud ang Kapuso actor dahil hindi lang pala artista si Bianca, puwede na rin itong makeup artist.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sunud-sunod din ang kilig comments galing sa kanilang fans na natuwa sa pagkukulitan ng isa sa hottest loveteams ng Kapuso Network.

Samantala, kinokonsider si Bianca Umali na maging pinakabatang panel sa isang student congress.

Pinaunlakan niya ang imbitasyon ng isang organisasyon para maging tagapagsalita sa isang event nito. Tinalakay ni Bianca ang naging karanasan niya sa pagkakawanggawa nang salantain ang bansa ng bagyong Yolanda. Dito kinakitaan ng husay at talino ang dalaga. Napabilib niya ang mga estudyanteng dumalo sa event, ganoon din ang mga kapwa niya panelist. 

Si Bianca at Miguel ang bida sa Wish I May na napapanood sa GMA Afternoon Prime.