PORT-AU-PRINCE (Reuters) — Dapat nang ihinto ng mga Haitian ang ilang linggo nang bayolenteng demonstrasyon sa lansangan at sumali sa mga pag-uusap para makabuo ng transitional government, apela ni Prime Minister Evans Paul nitong Lunes, sa unang araw niya bilang pansamantalang pinuno ng magulong bansa sa Caribbean.

Si Paul ang prime minister sa ilalim ni President Michel Martelly, na umalis sa puwesto noong Linggo nang walang inihalal na kapalit matapos kanselahin ang ikalawang botohan ng nabigong halalan dahil sa mga protesta.

“We should demand peace and dialogue. That is the only weapon that we should use, it is dialogue,” pahayag ni Paul sa Reuters. “We don’t need to mobilize people on the streets anymore, because all the demands expressed on streets are now on the table of state institutions.”

Isang tao na ang namatay sa mga protesta.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'