TARLAC CITY - Nabulabog ang ilang residente nang bigla na lang sumulpot ang dalawang hinihinalang miyembro ng vigilante group at pinagbabaril ang isang 31-anyos na binata habang naglalaro ito ng baraha sa Barangay Burot, Tarlac City.

Kinilala ni SPO1 Aldrin Dayag ang biktimang si Mark Anthony Manalo, na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan, at nakumpiskahan ng isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu, at disposable lighter.

Napag-alaman na nangyari ang pamamaril dakong 4:00 ng hapon, naglalaro ng baraha si Manalo sa compound ng kanyang bahay nang biglang dumating ang dalawang lalaki na sakay sa motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog