Kris copy

KAARAWAN ni Presidente Noynoy C. Aquino kahapon na tumapat pa sa Chinese New Year at ipinagdiwang ito ng magkakapatid sa pamamagitan ng isang Misa.

Pero ilang oras bago sumapit ang kaarawan ni PNoy ay binati na siya ni Kris sa kanyang IG account, “#MyBrotherisAWESOME In 8 hours, he’ll turn 56. Happy Birthday, Noy! Love, Kristina, Josh & Bimb.”

Samantala, balik-trabaho na ngayong araw si Kris, taping uli niya ng KrisTV hanggang sa Huwebes.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Wala pa ring binabanggit ang Queen of All Media tungkol sa sinulat naming bagong format ng programa niya simula sa susunod na buwan.

Tila busy sa ibang bagay si Kris dahil wala siyang masyadong ipino-post sa social media accounts niya, kaya tiyak na malungkot ang bashers na walang maokray na posts niya.

Kung may i-post man sa Instagram, pawang positive kaya walang masilip ang bashers.

Kaarawan naman ni Kris sa Pebrero 14 at plano niya itong ipagdiwang ng tahimik at pamilya lang ang kasama.

(Reggee Bonoan)