Barbie copy copy

LALONG inspiradong magtrabaho si Barbie Forteza sa taping ng romantic-comedy series na That’s My Amboy.

Ano ang dahilan ng excitement niya ngayon kahit simula sa February 15, magiging daily na ang taping nila ni Andre Paras at ng buong cast?

“Bukod po kasi sa Holy Week, kasama kami ni Andre sa show for GMA Pinoy TV, with JoWaPao, (Jose Manalo, Wally Bayola at Paulo Ballesteros),” sagot ni Barbie. “Aalis po kami rito sa March 21, ang show namin sa San Francisco ay sa March 22 at sa San Diego on March 24. Excited po ako dahil first time kong makapupunta sa United States kaya thankful ako sa GMA na isinama nila ako. Pero kailangan pong narito kami sa March 26 kasi live na kami sa Easter Sunday, March 27, sa Sunday Pinasaya.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Natawa si Barbie nang biruin namin na hindi siya kakanta ng I Left My Heart in San Francisco dahil kasama naman niya si Andre hanggang sa makabalik sila ng bansa.  

Kinumusta namin ang rom-com nila ni Andre na napapanood every night sa GMA-7 after ng Little Nanay.

“Yes po, basta kami ni Andre, sinisikap naming maging masaya lagi ang atmosphere sa set. Kahit po medyo gabi na, kailangan po naming ma-maintain iyong away-bati namin sa eksena. Pero hindi naman mahirap dahil may cut-off po si Bb. Joyce Bernal sa taping, hanggang 2:00 AM lang at dahil mabilis siyang magtrabaho, hindi po kami inaabot ng taping ng ganoong oras, mas maaga kaming natatapos dahil 7:00 AM naman nagsisimula na uli kaming mag-taping.”

Gumaganap siya bilang personal assistant (PA) ng young actor na si Bryan (Andre), kaya ba niyang magbuhat ng mga gamit nito, o wala namang laman iyong binubuhat niya? 

“May laman po naman ang mga boxes na binubuhat ko, sapatos lang ni Andre na size 14, mabigat na, pero keri ko naman.

Pag-cut naman ni Bb. Joyce, kinukuha na agad sa akin ng utility ang mga binubuhat ko. Salamat po sa lahat ng mga nagku-comment sa aming rom-com sa Twitter, sana po patuloy ninyo kaming subaybayan at ma-in love sa mga eksena namin.” (NORA CALDERON)