Ni REMY UMEREZ

KABI-KABILA ang shows, both foreign o local sa Araw ng mga Puso. 

Pero naiiba ang concert ng Libera (Hear the Angels Sing) na gaganapin sa PICC Plenary Hall sa February 16 at sa new Centerstage SM Seaside City Cebu sa Feb. 18.

Pangatlong pagtatanghal ito ng boys choir sa Pilipinas na hatid ng Philippine Veterans Bank sa pakikipagnegosasyon ng British Alumni Association chairperson Roberto de Ocampo in partnership with Concertus Manila. Ang bahagi ng kikitain sa concert ay mapupunta sa Caritas Manila at Foundation for Disadvantaged Children. 

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Ang event ay pagpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at ng United Kingdom (Friendship Day) na ipinagdidiwang ngayong buwan.

Mga mumunting tinig na wari’y nagmumula sa langit kung isalarawan ang concert ng Libera. Ang bersiyon nila ng well-loved songs tulad ng What A Wonderful World, Amazing Grace at The Prayer ay garantisadong tatagos sa puso ng mga manonood. Kung masusunod ang plano ay baka umawit sila ng isang kilalang Tagalog song.

Excited na ang Libera sa nalalapit nilang pagtatanghal at suporta na rin sa kanilang album, Angels Sing:  Libera in America.