Jodi Sta Maria

Ni JIMI ESCALA

MALAKI ang pasasalamat ni Jodi Sta. Maria na dumating sa buhay niya ang papatapos nang Pangako Sa ‘Yo. Isa sa unforgettable experience para sa mahusay na aktres ang serye kasama ang sikat na loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“I am very thankful sa Pangako Sa ‘Yo. I just also realized that time flies so fast. It’s one great journey, it’s a good experience. Hindi ko makakalimutan ‘to,” sey ni Jodi sa finale presscon ng serye.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinagmamalaki raw niya sa lahat na nabigyan siya ng pagkakataong gampanan ang papel ni Amor Powers, bagamat agad niyang inamin na hindi ganoon kadali ang naturang papel niya.

“Hindi madaling gawin si Amor Powers. I must say na isa ito sa pinaka-challenging na roles na nagawa ko sa buong showbiz carrer ko. Ang dami niyang layers, ang daming nangyayari sa buhay niya, sa journey, bilang tao at ina. 

Nakaramdam siya ng hirap habang ginagawa ang nasabing serye. 

Umaasa ang mga tagahanga niya na pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo ay masusundan agad ito ng isa pang bonggang proyekto. Pero si Jodi agad ang mismong nagbalita sa amin na wala muna siyang tatanggaping proyekto.

“After ng Pangako Sa ‘Yo ay humingi muna ako ng break. I will be spending the summer with my son. ‘Yun muna ang aasikasuhin ko. Pagkatapos, eh, saka ko na haharapin ang susunod na proyekto. Pero tingnan natin,” sey ni Jodi. 

Ipinagmamalaki ng aktres na may projects na nakalinyang gagawin niya pero hangga’t wala pang konkretong pag-uusap, ayaw muna niyang magbigay ng detalye.

Samantala, nalaman din namin kay Jodi na may nakaplano siyang pilgrimage para sa darating na Mahal Na Araw. 

“In March I am going to Israel with a group of friends, so we’re going on a Holy Land tour. Very excited na nga ako du’n, bagong experience naman. I’ve been to Israel five years ago but this time I know it’s going to be different. 

“This is a life-changing for me. I mean, learning more about the land of Jesus to be able to walk again du’n sa mga nilakaran niya, pinupuntahan niya,” excited na kuwento ng premyadong aktres.