Nakopo ng Colegio de San Lorenzo ang championship berth matapos pataubin ang National College of Business and Arts, 74-46, kamakailan sa pagpapatuloy ng 8th Universities and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) men’s basketball tournament sa Marikina Sports Complex.

Sa isa pang laban, naipuwersa naman ang third ranked St. Francis of Assisi Doves ang rubber match matapos igupo ang second seeded PATTS College of Aeronautics Sea Horses, 67-50.

Matapos ang 3- pointer in Tristan Laman sa pagtatapos ng first canto para mahila ang 15 puntos na bentahe ng Griffins, hindi na nakatikim ng hamon ang Doves para sa krusyal na panalo. (Marivic Awitan)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!