IPINAGDIRAWANG ngayon ang National Pro-Life Sunday. Naalala ko ang mga sumusunod na kuwento mula sa isang Pro-Life gathering sa Maynila: Ang mga US scientist ay sobrang advance na pagdating sa genetic engineering, decoding genes, at paggawa ng clone.

Nakilala sa kanilang hindi kapani-paniwalang tagumpay, isinasantabi na nila ang kahalagahan ng Diyos.

“Ngayon ay hindi na natin kailangan ang tulong ng Diyos,” nagkakaisa nilang sinabi, “kaya na nating magbigay buhay sa sarili nating kakayahan!” Kaya’t ipinadala nila ang kanilang pinakamatalinong scientist upang sabihin sa Panginoon na hindi na nila kailangan ng tulong.

“Kaya niyo bang gawin ang ginawa ko—sina Adam at Eve?” tanong ng Panginoon. “Oo kaya namin,”sagot ng scientist.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Okay, sige; gawin mo,” sabi ng Panginoon.

Nagsimulang kumuha ng lupa ang scientist upang bumuo at lumikha ng tao.

“Sandali, teka lang. Ginagamit mo ang lupa na ako rin mismo ang may likha. Gamitin mo ang sarili mong lupa at hangin upang makalikha ng buhay!”

Napayuko na lamang ang lalaki at nadismaya. Ang mapupulot na aral? Kahit gaano ka-advance ang siyensya at teknolohiya, ang ating buhay ay hiram lamang natin sa Panginoon. At dahil ang buhay natin ay nagmula sa Diyos, tanging Diyos lamang ang nakakaalam at nagpapasya kung kalian natin ito ibabalik sa kanya.

Buong-pusong ipinagmamalaki ni Judie Brown, ang presidente ng American Life League, Inc. (US counterpart of Pro-Life Philippines), ang kanyang respeto sa buhay sa isinagawang convention ng Pro-Life promoters sa Maynila, ilang taon na ang nakalilipas. Aniya, “Because we’re created in the image of God, we should never ever compromise life for any political gain.”

Dagdag pa ni Brown na: “Don’t follow what the US is doing. Presently there is moral decay there. For instance, it is prohibited by state law to pray in public, or a 13-year old girl is allowed to take abortion pill but requires doctor’s prescription to take aspirin!”

Sumingit naman ang kanyang asawa na si Paul Brown, “The USA is the biggest exporter of immorality. You Filipinos, be careful.”

“Control your population through contraceptives, America says, but look there are no more young people to replace their old ones. This is true in Europe, Japan and America,” dagdag ni Paul. (Fr. Bel San Luis, SVD)