Nagbabantang biguin ng mga kalahok sa World Slasher Cup-1 8-Cock Invitational Derby na may bitbit na 2, 2.5 at 3 puntos ang mga nangungunang katunggali sa pagtala ng perpektong puntos sa grand finals ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Maghaharap ang nasabing pangkat sa pagpapatuloy ng finals na may bantang ipanalo ang lahat ng itinakdang laban upang makapagrehistro ng pitong kabuuang puntos.

Ang ikatlong araw ng semis noong Huwebes ay lumikha ng higit pang 14 “championship round qualifiers” na binubuo ng siyam na kalahok na hindi nabahiran ng talo at limang entry na may 3.5 puntos bawat isa sa torneo na hatid ng Thunderbird Platinum, Thunderbird Bexan XP, BMeg at Petron.

Tiniyak ni Engr. Sonny Lagon ang isa pang ‘grand finals slot’ sa pamamagitan ng kanyang Blue Blade Farm – AA – 5 RJM. Mas pinatatag naman ni Gov. Eddiebong Plaza ang kanyang tsansang ipanalo ang kopa sa pangalawang pagkakataon matapos umiskor ng 4 na puntos sa semis ang kanyang SE Bukidnon EP RJM AA Platinum.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagbabanta ring iuwi ang kopa ng mga kalahok ng may 4 na puntos kagaya nina MJ San Pedro/Aldrin Roxas/Dfer Masiclat (MSNP-ATR Dfer Paniqui), Jet Olaguer/Soan & Achiu (Mahakam Jet Sweater – 1), Danny Lim (LS-AA-JSF-Diego Clear Cut), GLA (Jump Start 1 Habagat GLA), Vice Mayor Anthony Marasigan (MOA Wanda Salamanca 4-Kings 88) at Biboy Enriquez (Driving Force2), habang may 3.5 puntos sina Jaucian Bros./Patrick Villalon/Roo Orquico (SV Rolco Mastermind), Experto GF, Inc./Celso Evangelista,Nathan Jumper (Longscore Filipinas USA Comb), Nelson Uy/Theo James (Alleginat), Joey delos Santos (Toni & Grace-1) at Cito Alberto/R. Yam (Deep Impact-B).

Yayanig din ang labanan sa paghaharap ng mga three-pointers ng ikatlong semis na kinabibilangan nina Mayor Goto (San Roque CGV-CRB Farm), Jimmy Junsay/Pepito Sanchez (Jared ML), Recardo Parojinog/Jimmy Junsay (Zamz 7 Farm Jared), Remigio Llarenas, Jr. (RCL Altamirano Gamefarm), Joey/Bradley/Cindy Melendres (Swerteng Anak), Mayor Nene Aguilar/Sam Aguilar (Super Eagle AAO/AA), Dr. Marvin Rocafort/CDLS Kap. Dodo Rosales (CDLS Samparang KR/El Campeon), Atong Ang/Nelson Uy/Dong Chung (David and Goliath Again AA), Atty. Abella (MBA Fiscalizer Big Event Feb. 19), Pol Estrellado/Mayor Goto/Aldo (P.E. CGV Aldo Amin Partylist2), Ricky Magtuto (Ahluck Camsur JVS), Rene Adao (Binangonan Lucky Chances-2), Rene Medina (Binangonan Lucky Money), Owen Medina/ Mike Romulo (671 Biba Guahan NMC) at Noel Jarin/Benny Salazar (Enzo Altavaz Hyper B-12).

Sa paanyaya ng Pintakasi of Champions, ang edisyong ito ng World Slasher ay ginaganap sa kolaborasyon ng Gamefowl Magazine, SuperSabong, Cockpihan – Usapang Sabong sa Radyo, SabongTV, Cockfights Magazine, Sabong Star, at Fightingcock Magazine.