Muli na namang natakasan ng apat na bilanggo ang mga awtoridad sa Batangas, at ginamit pa ng mga pugante ang susi ng kanilang selda sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Mataas na Kahoy.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad sina Nikko Raphael, Roy Jasper Gonzales, kapwa may kasong ilegal na droga; Erwin Kalalo, akusado sa rape; at Marjun Villaluz, may kasong robbery.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 4:15 ng umaga kahapon nang sabihin ni PO2 Jojo Muñoz kay Insp. Daniel Dela Cruz Jr., officer-in-charge ng Mataas na Kahoy Police, ang pagtakas ng mga suspek.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na ginamit umano ng mga suspek ang susi ng selda na umano’y ninakaw ng kapatid ng isa sa mga pumuga.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Matatandaang noong nakaraang linggo, napatay ang isang jail guard sa pagtakas ng apat na preso, na isa ang napatay sa engkuwentro sa pagtugis sa mga ito sa Balayan.

Naibalik din sa selda ang dalawa pang pumuga sa Balayan. (Lyka Manalo)