MAY kinalaman ba ang sukat ng utak sa kakayahan at talino ng tao?

Patuloy pa rin ang debate ng mga scientist sa malinaw na kahulugan ng talino. Paano masusukat ang talino ng isang tao? At ang pagkakaiba-iba ng IQ na ipinapakita sa pang-araw-araw na buhay? At higit sa lahat, may kinalaman ba ang brain tissue o ang malusog na utak sa mataas na IQ ng isang tao?

Tila walang kinalaman ang sukat ng utak sa talino ng isang tao base sa brain-scan study ng mga bata.

Ayon sa conclusion ni Michael McDaniel, isang industrial and organizational psychologist sa Virginia Commonwealth University, mas matalino ang taong may malaking utak. Gayunman, marami ang tumutol kay McDaniel. Sa kanyang research, na inilathala noong 2005, sinasabing anumang edad at kasarian, ang brain volume ng isang tao ay may kinalaman sa kanyang talino.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ayon naman sa isang pag-aaral, inilathala noong 2006, mas matalino ang mga lalaki kaysa sa babae sa dahilang mas malaki ang utak ng mga lalaki kaysa babae, at ang kanilang diperensiya ay nasa 0.2 pounds (100 grams).

Average brain weights para sa primates (walang kinalaman sa laki ng pangangatawan):

Chimpanzee (Pan troglodytes) — 0.77 pounds (350 grams)

Mountain gorilla (Gorilla gorilla beringei) — 0.95 pounds (430 grams)

Mouse lemur (Microcebus murinus) — 0.004 pounds (2 grams)

Sperm whale — 17 pounds (7,800 grams)

Walrus — 2.4 pounds (1,100 grams)

Domestic cat — 0.06 pounds (30 grams) (LiveScience.com)