Posibleng makararanas ng tagtuyot ngayong buwan ang 29 na probinsiya sa bansa, inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, ang matinding epekto ng El Niño phenomenon ay patitindihin pa ng pagpasok ng summer season sa susunod na buwan.

Partikular na tinukoy ng PAGASA na makararanas ng tagtuyot ang 13 lalawigan sa Visayas, 13 sa Mindanao, at tatlong probinsiya sa Luzon. Aabot naman sa 15 probinsiya ang posibleng makaranas ng dry spell ngayong buwan.

Inaasahan din ang madalang o zero hanggang 40 porsiyentong pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa, partikular na sa Visayas at Mindanao. (Rommel Tabbad)

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga