Leonardo & Rihanna copy

TANGING manalo lang ng Oscar Award ang focus ni Leonardo DiCaprio, at wala siyang planong matsismis kay Rihanna.

Limang beses nang naging nominado sa Oscars ang aktor, ngunit kahit isa ay hindi pa siya nanalo.

Gayunman, pinaniniwalaang sa wakas ay makapag-uuwi na siya ng golden statuette sa Pebrero 28, para sa pagganap niya sa pelikulang The Revenant. Nanalo siya ng Golden Globe para sa nasabing pagganap, at napaulat na ito lamang ang nag-iisang pinagkakaabalahan ng isip ni Leonardo — ang Oscar Award.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“It’s no secret that Leo is desperate to finally win an Oscar this year, having been famously overlooked until now, and he doesn’t want his personal life to distract from his campaign,” sabi ng source sa Grazia magazine ng Britain.

“Things between him and Rihanna aren’t serious, and he’s concerned that being painted as a playboy will stop him being taken seriously as a contender. He was even rumoured to have split with Kelly Rohrbach so that his entire focus could be on walking away with an award. Right now, he wants to be known for his work, not his love life.”

Ilang buwan na ring usap-usapan ang pagkakamabutihan nina Rihanna at Leonardo, at hindi pa rin natatapos ang pagkaka-link nila sa isa’t isa. Enero 16 nang huli silang makitang magkasama sa isang Parisian nightclub, at napaulat na may nakakita pa sa kanila na naghahalikan. Nakuhanan pa umano ng litrato ang lambingan ng dalawa, pero napaulat na pinigilan ng abogado ng aktor ang paglalathala sa mga ito. (Cover Media)