MONCADA, Tarlac - Nasawi ang isang tricycle driver makaraang masalpok at makaladkad ng isang pampasaherong bus ang kanyang ipinamamasada hanggang sa magliyab ito sa highway ng Barangay San Julian sa Moncada, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Clarito Tamayo ang biktimang si Santiago Tuazon, Jr., driver ng tricycle (QR-8999), ng District 8, Cuyapo, Nueva Ecija, na hindi na umabot nang buhay sa Rayos-Valentin Hospital.

Dakong 10:00 ng gabi nitong Sabado nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus na minamaneho ni Noel Namoro, 38, may asawa, ng Bgy. Cayanga, Bugallon, Pangasinan, ang tricycle ni Tuazon na noon ay tumatawid.

Ayon sa report, nakaladkad pa ng bus ang tricycle hanggang nagliyab ito na ikinamatay ni Tuazon. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog