Angelica copy copy

NAG-AALALA ang supporters ni Angelica Panganiban sa post niya tungkol sa isang babaeng payat na may caption na, “skeletal system” bukod pa sa mga pasa sa braso at binti.

Hinala ng netizens ay ang aktres ito, base na rin sa kutis at bag na nasa tabi niya, na pag-aari raw ni Angelica.

Iisa ang tanong ng followers ni Angelica, kung battered girlfriend ba siya dahil nga sa mga pasang nakita sa braso at hita sa naturang photo.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Payo ng followers ng aktres ay manalangin at lakasan ang loob niya sa kinakaharap niyang problema at malalampasan din niya ito.

Pero siyempre may mga negatibong komento rin bagay na hindi na dapat pansinin dahil sa isyung kinakaharap ngayon ni Angelica ay siya ang dehado sa paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz na si Bea Alonzo ang itinuturong dahilan.

Bagamat putok na putok na ang balitang may relasyon na sina John Lloyd at Bea Alonzo ay pilit pa rin itong itinatanggi sa amin ng ilang taong malapit sa kanila.

“Magkaibigan lang talaga sina Lloydie at Bea, maniwala ka,” sabi ng nakausap naming taga-ABS-CBN nitong nakaraang Biyernes ng hapon.

Hinihintay ng publiko kung kailan magsasalita sina Angelica at John Lloyd tungkol sa hiwalayan nila at kung ano ang dahilan.

Plano naming dumalaw sa taping ng Home Sweetie Home sa Martes, pero sinabihan kami ng taga-production ng, “Nasa Subic po kami next week at kinabukasan (Miyerkules) na po ang balik.”

Kinumusta namin ang source tungkol kay JLC at kung may detalye na, “Mahirap po kasing manguna, baka hindi naman nila (Angelica at Lloydie) gustong i-share sa amin. Ang maganda lang, hindi naman apektado ang work nila sa taping, tuluy-tuloy naman at masaya naman si Lloydie.”

Mukhang malabo ng magsalita si JLC dahil magiging busy siya ngayong paalis sila ni Piolo Pascual patungong Berlin para dumalo sa film festival roon na sasalihan ng kanilang pelikulang Hele sa Hiwagang Hapis na idinirek ni Lav Diaz (produced ni Direk Paul Soriano for Ten17Productions). (Reggee Bonoan)