STA. ROSA, Nueva Ecija - Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang tatlong taong gulang na babae na nilunod sa ilog makaraang gahasain sa bayang ito.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Mary Grace Locaba Rellama, na natagpuang lulutang-lutang sa tabing-ilog ng Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (UPRIIS) sa nasabing lugar.

Dakong 5:30 ng hapon nitong Enero 28 nang huling namataang buhay ang bata kasama ang suspek na si Arnold Suarez Mortel, 25, helper, tubong Barangay Sto. Cristo, Piodoran, Albay.

Ayon sa ina ng biktima na si Marilou Locaba Rellema, hindi na nakauwi ang paslit nang hapon na iyon at dakong 9:00 ng gabi nang araw na iyon nang matuklasan ang kalunos-lunos na sinapit ng bata.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Naaresto naman si Mortel sa follow-up operation ng pulisya. (Light A. Nolasco)