Nagtamo ng bahagyang sunog sa katawan ang isang 70-anyos na babae matapos niyang iligtas ang kanyang apo na na-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Marikina City, nitong Biyernes.

Bahagyang nasunog ang magkabilang braso ni Brigada Salvatiera, biyuda ng No. 1036 Bagong Silang Street, Barangay Nangka, Marikina City.

Ayon kay Fire Supt. Edwin Vargas, hepe ng Marikina City Bureau of Fire Protection (BFP), nangyari ang sunog dakong 1:22 ng umaga sa bahay ng biktima.

Batay sa report, nagsimula ang sunog sa bahay ni Salvatierra, at sinikap ng huli na iligtas ang limang taong gulang niyang apo na naiwan sa loob ng nasusunog na bahay.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Kaagad namang nadala ng Rescue 161 ang biktima sa Saint Vincent Hospital.

Labing-isang pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.

Inaalam pa ng awtoridad ang dahilan ng sunog at ang kabuuang halaga ng natupok. (Madelynne Dominguez)