Dahil sa pangambang tuluyan na silang mawawalan ng trabaho at kalauna’y “kumapit na rin sa patalim”, nagsagawa ng kilos protesta ang mga taxi operator upang kondenahin ang umano’y kawalan ng aksiyon ng gobyerno sa pagrereporma sa industriya.

Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Jesus Manuel Suntay, pangulo ng Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA), na patuloy na nalulugi ang kanilang hanay sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng gasolina.

Tinukoy ng grupo ang matinding trapiko sa Metro Manila bilang pangunahing dahilan sa kanilang pagkalugi.

Dahil dito, umapela ang PNTOA sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na i-adjust ang wating time rate ng taxi sa P5 mula sa kasalukuyang P3.50 kada dalawang minuto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Anila, makatutulong ang pagtataas ng provisional waiting time adjustment sa P5 kada dalawang minuto sa mga taxi na umuusad sa traffic hanggang limang kilometro kada oras upang mabawi ang kanilang lugi.

Nagmamay-ari ng mahigit 400 taxi unit, sinabi ni Suntay na nag-aalburoto na ang 12,000 miyembro ng PNTOA hindi lamang sa ikinalulugi sa matinding traffic kundi maging sa pagdagsa ng mahigit 7,000 unit ng app-based vehicle service, tulad ng Uber at GrabCar, bukod pa sa 3,000 colorum unit.

Kung dati’y kumikita ng P4,000 sa 40 pasahero sa kada araw, sinabi ni Suntay na ang bawat driver ngayon ay tumatabo lamang P2,500 dahil nabawasan na ang kanilang pasahero sa 25.

“We much remember that they still have to deduct from their gross earnings their expenses for gasoline and boundary which rangers from P1,100 to P1,300 per 24 hours leaving them with approximately less than P300,’’pahayag ni Suntay.

(CHITO CHAVEZ)