VICTORIA, Tarlac - Malupit na kamatayan ang sinapit ng isang branch manager ng Petron sa Abagon, Gerona, Tarlac, matapos siyang holdapin at patayin ng hindi nakilalang suspek sa Barangay Mangolago, Victoria, Tarlac.

Iniulat ni PO1 Manuel Aguilar na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Edita Ileto, nasa hustong gulang, ng Barangay Sta. Maria, Licab, Nueva Ecija.

Nauna rito, nag-grocery ang biktima at pauwi na sakay ng motorsiklo nang sundan ng suspek hanggang holdapin at pagbabarilin sa Bgy. Mangolago.

Natangay sa biktima ang mga bitbit niyang grocery items at P20,000 cash, gayundin ang kanyang motorsiklo.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

(Leandro Alborote)